top of page
Search

IATF inaprubahan ang pagbubukas ng klase sa Agosto 24

  • Writer: Cinense Integrated School
    Cinense Integrated School
  • May 23, 2020
  • 1 min read

Sa pagpupulong na ginanap noong ika-8 ng Mayo 2020, iprinisenta ng kalihim ng Departamento ng Edukasyon, Leonor M. Briones, sa Inter-Agency Task Force (IATF) ang draft ng Basic Education Learning Continuity Plan at ang desisyon ng departamento ukol sa pagbubukas ng klase sa taong panuruan 2020-2021.


Isa sa mga naging highlights ng pagpupulong ay ang pag-apruba ng IATF sa pagbubukas ng klase sa Agosto 24 taong panuruan 2020-2021 at magtatapos sa ika-30 ng Abril 2021


Pinaaalalahanan din ang lahat na hindi nangangahulugan na face-to-face ang interaksyon ng bata sa darating na pasukan.

Samantala, ayon sa kalihim, gagamitin ang mga araw simula Agosto 24 bilang pagbibigay ng mga asignatura at mga aktibidad na gagawin sa kani-kanilang mga tahanan, magtatalaga rin ng iba pang alternatibong pamamaraan ng paghahatid ng edukasyon sa mga bata-nariyan ang online, offline at modular. Pinaaalalahanan din ang lahat na hindi nangangnahulugan na face-to-face ang interaksyon ng bata sa darating na pasukan.


Para sa mga karagdagang impormasyon, maaaring i-click ang link na ito:


 
 
 

Comments


bottom of page